Tibo nagbitay sa water tank sa Agusan

NAGPATIWAKAL ang isang tomboy sa pamamagitan ng pagbibigti sa water tank sa Agusan del Norte.

Kinilala ang biktima na si Mary Chel Encio, ng Purok 4, Barangay San Isidro, Kitcharao, Agusan del Norte.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang 20-anyos na tomboy na nakabigti sa water tank malapit sa kanilang bahay dakong alas-5:00 ng madaling-araw nitong Huwebes.

Ayon kay Edmund Encio, ama nito, nakita na lamang niya ang anak na nakabigti ng nylon cord nang buksan niya ang tangke ng tubig.

Isang suicide note ang nakita ng mga pulis sa bulsa ni Mary Chel subalit hindi naman idinetalye ang nilalaman nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply