Tibo tinurbo ng barker sa wetpaks

PAIKA-IKA nang maghain ng reklamo ang 18-anyos na tomboy matapos turbuhin ng barker sa loob ng van na nakaparada sa Lawton, Ermita Manila, iniulat ng pulisya.

Kasalukuyang  pinipigil sa Manila Police District-Integrated Jail ang suspek na si Sonny Boy Peruelo Baylon, 34, barker sa Lawton sa Ermita at residente ng lot 3453 Asaliya, Teresa, Trese Martires, Cavite.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-Children and Women Protection Unit, naganap ang panghahalay sa biktima sa loob ng nakaparadang van, malapit sa Lawton na sakop ng Station 5 nitong nakaraang June 19, 8:30 ng gabi.

Ayon sa report, isang scavenger ang nasabing tibo at utusan ng ilang nakatalagang pulis sa nasabing outpost kaya kilala ito sa lugar.

Kinaibigan umano ng suspek ang biktima at nang makapalagayan ng loob ay hinalay sa loob ng van.

Gayunman, nang makaranas ng matinding sakit sa pwet ang biktima ay naisipan niyang magreklamo sa Manila City Hall detachment.

Sa utos ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-General assignment section, binitbit si Peruelo nang ituro ng biktima saka dinala sa MPD-Headquarters para kasuhan ng rape.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply