Tickets sa Azkals game dinagdagan pa

INANUNSIYO ng Philippine Football Federation (PFF) na maglalabas sila ng dagdag na 1,700 tickets para sa July 3 World Cup Qualifiers match ng men’s national football team na Azkals.

Ayon kay Bonnie Ladrido, chairman ng local organizing committee, mabibili na umano ang tickets.

Nabatid na magkakaroon ng 400 upper grandstand tickets sa halagang P2,060 each at 1,300 red bleachers tickets sa halagang P206 each.

“These tickets were reserved for Sri Lanka and new seats (were) created. Matagal nang ubos. Dagdag lang ‘to,” pahayag naman ni Rick Olivares ng organizing committee.

Una nang napagpasyahan na panatilihin pa rin ang 13,000 na bilang ng tickets para hindi magkaroon ng overcrowding na nangyari sa Pana-ad Stadium sa Bacolod City noong February 9 nang mapuno ng libu-libong katao ang stadium.

Ayon kay Ladrido, ayaw na nilang maulit pa ang nangyari sa Bacolod kaya kung ilan ang magkakasya ay iyon lamang ang kanilang papapasukin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply