Tindera tusta sa sunog sa Cubao

PATAY ang isang babae makaraang masunog ang isang stall na nagbebenta ng RTW sa Cubao, Quezon City, madaling araw ng Mayo 6.

Ayon sa report ng dzBB, nabatid na stay-in sa pinagtatrabahuhang stall ang hindi pa nakilalang biktima malapit sa ACT Theater, Cubao habang nagawa namang makaligtas ng apat pang kasamahan nito.

Tinitingnan naman ng mga imbestigador kung sa nag-overheat na ceiling fan nagmula ang sunog at kumalat sa mga damit na paninda.

Tinatayang P100,000, ang naging pinsala habang nadamay din ang flower shop na katabi nito.

Nabatid na bandang 3:09 a.m. nagmula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma at naapula naman matapos ang 30 minuto.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply