Tindero ng pritong manok todas sa saksak

PATAY ang isang tindero ng pritong manok sa mga kalugar na hindi nabigyan ng panindang manok para ipulutan ng mga huli sa Malabon City Sabado ng madaling araw, Hunyo 3.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Armando Lachica, 23, ng C. Perez st., Tonsuya sa nasabing lungsod.

Nadakip naman si Joey Quilaton habang pinaghahanap pa ang mga kasamang nakilala lang sa mga alyas na Angelo, Jeffrey at Jade pawang kalugar ng biktima.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa C. Perez street nang salubungin ng mga suspek at pagsasaksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan nadakip si Quilaton habang dinala naman ang biktima sa PLM.

Nabatid na bago ang insidente ay umaarbor ng pritong manok ang mga suspek sa biktima upang gawin pulutan subalit hindi nabigyan na naging dahilan upang abangan at pagsasaksakin si Lachica. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply