‘Tirador’ ng bagong motorsiklo muling nambiktima

SAKIT ng ulo sa mga tauhan ng Manila Police District ang tinaguriang “riding-in-tandem” na tumitira sa mga bagum-bagong motorsiklo nang muling umatake ito at mambiktima sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya.

Nagtungo sa tangapan ng Manila Police District-Anti-Carnapping and Hi-Jacking Unit ngayon, Miyerkules, Hunyo 1, ang isang Ralph Rafallo, 18, binata at residente ng Mary Ann St., Gagalangin Tondo, upang ireport ang pagkawala ng kanyang Mio motorcycle, kulay violet at for registration pa lang.

Sa salaysay ng biktima, Martes ng 8:30 ng gabi, habang binabagtas niya ang kahabaan ng Juan Luna St., sa Tondo at pagsapit sa panulukan ng Flora St., sa Gagalangin ay bigla siyang hinarang ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklong walang plaka at tinutukan ng kalibre .45 baril. Dito na sapilitang kinuha ng mga ito ang kanyang sasakyan.

Agad na tumakas ang mga suspek patungong Caloocan  City.

Bago nagreport si Rafallo kay Chief Insp. Joie Pacito Yape Jr., hepe ng MPD-ANCAH, una na itong nagtungo sa MPD-Raxas bago ang Police Station 1.

Dito niya nakilala sa pamamgitan ng photo gallery ang isa sa suspek na nakilalang si Ernesto Gutierrez, nasa hustong gulang; alyas Junior “Bait” at umano’y residente ng Blk. 4 lot 5 Model Community sa Quezon St., Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, halos 11 araw pa lamang kay Rafallo ang hulugang motorsiklo na nagkakahalagang P165,000 at ang hulog nito sa isang buwan ay aabot ng P3,200.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply