Title match target ng Cebu Gems at NLEX Road Warrior

ISASAPORMA ng mga paboritong NLEX Road Warriors at Cebuana Lhuillier Gems ang title match sa pagsalang nila kontra PC Gilmore at Max Bond Sumos, ayon sa pagkakasunod sa Ynarex Sports Arena sa Pasig City mamayang gabi.

Kinakailangan munang manaig ang Cebu Gems ni coach Luigi Trillo laban sa sorpresang finalist na PC Gilmore ni coach Richard del Rosario na nagpabagsak sa Pharex Bidang Generics, 92-77 noong Hunyo 2, samantalang walang hirap na nilupig ng Cebuana Gems ang Freego Jeans, 71-68 ng second game ng Hunyo 2.

Puntirya naman ng Max Bond Super Glue Sumos ni coach Alfredo “Pido” Jarencio ang isang upset na knockout win sa power-laden Road Warriors na binubuo ng mga dating colleagiate standout na sina Reil Cervantes, Rudy Lingganay at Junjun Cabatu.

Galing ang NLEX sa 100-71 demolition ng FCA Cultivators noong nagdaang Martes.
Ang mananalo sa dalawang pares na engkuwentro ay maghaharap sa best-3-finals na nakaiskedyul sa susunod na linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply