Tiwali pa sa administrasyon isunod kay Sulit

IPINASUSUSPINDE na rin kay Pangulong Aquino ang mga tiwaling opisyal sa administrasyon.

Ito ang panawagan ni House Asst. Minority Leader Milagros “Mitos” Magsaysay, Huwebes ng umaga matapos isailalim sa preventive suspension ni PNoy si Special Prosecutor Wendell Sulit.

Si Sulit ay sinuspendi dahil sa plea bargaining agreement ni dating AFP Comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia.

Ganito rin ang naging reaksyon ni CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna sa pagsasabing hindi dapat nagpapakita ng ‘pagkiling’ ang Malacañang sa mga opisyal ng gobyerno partikular ang mga malalapit kay Pangulong Noynoy Aquino na nakakaladkad sa mga anomalya at kontrobersiya.

Aniya, dapat maging patas ang Palasyo at iwasang iparamdam na may ‘favoritism’ na umiiral sa gobyerno.

Kung hindi naman ito aayusin ng Malacañang, sinabi ni Tugna na hindi malayong mawala ang tiwala ng publiko sa liderato ni Pangulong Aquino.

Kabilang sa mga nais ng oposisyon na tanggalin sa pwesto sina Finance Secretary Cesar Purisima, Executive Secretary Paquito Ochoa at PCSO chairman Margie Juico.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply