Tiyuhin ni Justice Secretary De Lima natagpuang patay

MASANGSANG na ang amoy nang matagpuan ang bangkay ng tiyuhin Justice Secretary Leila de Lima sa Iriga City sa Camarines Sur.

Ayon sa PNP Iriga, nabungaran nilang nakahandusay ang bangkay ni Francisco de Lima, 59, sa mismong tahanan nito sa Barangay San Agustin, Iriga City.

Nabatid na solong namumuhay si Francisco at huling nakitang buhay noong Hunyo 12.

Base sa imbestigasyon ng Iriga-PNP, wala silang nakikitang foul play, matapos na makumpirma na may diabetes pala ang biktima.

Pinaniniwalaan din na sinumpong hanggang sa tuluyang bawian ng buhay ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply