Tolentino absuwelto sa Cherry Hills tragedy

NAABSUWELTO sa kaso si dating  Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 4 Officer-In-Charge (OIC) Technical Director Sixto Tolentino, Jr. kaugnay sa naganap na pagguho ng Cherry Hills Subdivision noong 1999.

Ayon sa Sandiganbayan, walang pagkakamali o nagawang krimen si Tolentino nang irekomendang bigyan ng Environment Compliance Certificate (ECC) ang naturang subdivision noong April 1994.

Ipinabatid pa ng Anti Graft Court na pagkatapos lamang ng Cherry Hills tragedy nang i-require na ng DENR ang engineering, structural at geological assessments bago ang pag-apruba ng ECC.

Binigyang diin pa ng Sandiganbayan na wala na sa puwesto si Tolentino na nagsilbi lamang OIC hanggang January 1996 nang mangyari ang pagguho kayat hindi ito dapat panagutin sa trahedya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply