Toll fee sa Hacienda Luisita pinatigil

PINAHINTO na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang koleksyong isinasagawa ng Hacienda Luisita Inc. sa access road sa loob nito na nagdudugtong sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ng magkaisa ang board sa isang pulong Huwebes ng hapon, Hunyo 2.

Ang “cease and desist ” na kautusan ay iniukol sa mga pangalan na tinataglay ng mga tiket na iniisyu sa mga motorista at sa mga kumpanya na nagpagawa ng San Miguel access road, nagmamay-ari nito, o nagmimintine nito upang masiguro na malaman ng mga kinauukulan.

Bunsod ito ng mga reklamo ng mga motoristang dumaraan sa kalsadang ito mula MacArthur Highway sa Tarlac City patungong SCTEX na nagsimula nuong Mayo 17 kung saan sinisingil ang mga kotse ng P20 pesos, ang mga delivery vans ng P50 pesos, P100 sa mga trak,bus at iba pang heavy vehicles.

Ang mga tiket ng suriin ay may mga letrang JCSI-BICSI na ang kahulugan ay Jose Cojuangco and Sons Incorporated at Brown International Corporate Services Inc. na nagsasabiing may kinalaman ang mga Cojuangco sa paniningil mng toll fees sa nabanggit na lugar.

Pinagawa umano ng Hacienda Luisita ang 2.7 kilometrong kalsada bilang pambayad sa quarry ng kumpanya sa lalawigan at bilang konsiderasyon na rin sa pagkakatayo ng Luisita Interchange na naguugnay sa Hacienda Luisita Industrial Park  sa Clark at Subic FreeportT ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na siyang may-ari ng SCTEX. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply