Tone-toneladang basura bumulaga sa Roxas Blvd.

TONE-TONELADANG basura ang bumulaga sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Maynila ngayon, Biyernes, nang bumaba ang baha dulot ng ulan ng bagyong “Falcon.”

Nagdala ng pagkarami-raming basura ang malalakas na alon sa kahabaan ng Baywalk ng Roxas Blvd., Maynila, partikular na sa United States Embassy at Manila Yacht Club.

Malalaking alon din ang humampas sa breakwater na umaabot sa nasabing lugar.

Dahil dito, dapat na ibayong pag-iingat ang gawin ng mga motorista sa kanilang pagbabaybay sa nabanggit na kalsada  dahil hindi gumagana ang traffic light sa kahabaan nito.

Sinamanatala naman ng ilang kuliglig at pedicab ang pagbiyahe dahil walang mga traffic enforcer na siyang dapat na nagmementine ng daloy ng trapiko sa lansangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply