Trading sa Hong Kong sabit sa black coral smuggling

HINILING ng Bureau of Customs na imbestigahan ng mga awtoridad sa Hong Kong ang isang trading company doon na diumanoy sangkot sa iligal na pangangalakal ng mga Philippine black sea corals at iba pang laman-dagat.

Ayon sa BOC Enforcement and Security Service, nakipag-ugnayan ang mga opisyal ng BOC sa kanilang katulad na ahensya sa Hong Kong upang imbestigahan ang King Success Trading, na ayon sa mga nakalap na impormasyon ng BOC  ay kasabwat ng Zamboanga -based na kumpanyang Lim and Li Trading. Ang Lim and Li ang nage-export ng mga marine products sa King Success Trading na may business address sa No.68 Queens Road sa Hong Kong.

Nauna ng kinasuhan ng BOC ang mag-asawang Li at Joe Pring, mga may-ari ng Lim and Li Trading sa Department of Justice dahil sa nabukong pagpupuslit papalabas ng bansa ng may 21,000 piraso ng black sea corals, 161 mga pawikan at iba pang lamang dagat na nagkakahalaga ng P35 milyon.

Ipinaa-aresto din ang mag-asawa ng Senado, makaraang hindi sumipot at isnabin ang imbitasyon ng Senado para sa imbestigasyon sa naturang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply