Trapik at disgrasya

HINDI kaila sa lahat na maraming problema sa buhay ang nililikha ng bawat pagbubukas ng klase sa mga iskul.

Pero dalawa rito ang bibigyan natin ng pansin.

Trapik at disgrasya.

oOo

Imadyinin natin, Suki, na may 26 milyong estudyante na pumapasok sa mga iskul ngayon mula sa Prep at Kinder hanggang sa elementari, haiskul at kolids.

Buong repablik ni Juan yan. At nangangahulugan na karaniwang nasa kalsada ang mga ito sa mga oras ng pasukan at uwian.

Tanging ang mga nasa kolids lang ang halos nasa 12 oras sa mga lansangan.

Dahil nga sa dami ng mga mag-aaral, grabe rin ang dami ng mga sasakyan na sasalo sa mga ito kahit saan para ihatid sila kung saan-saan. Kaya naman, naririyan ang katakot-takot na trapik.

Ang mga katanungan dito, Suki, ay paano nilulutas ng mga onorabol ang mga problema sa trapik?

Sa lungsod ng Maynila, makikita ang dami ng mga nangongotong sa mga pampublikong sasakyan at dahil dito, kitang-kita kung paano ginagawang iligal na terminal ang napakaraming lugar: Blumentritt, Tayuman-Avenida, Sta. Cruz-Escolta, Recto-Avenida at marami pang iba.

Mayor Fred Lim, itong mga MTPB ba ay nilulutas ang trapik sa pamamagitan ng kotong at iligal na terminal?

oOo

Habang papasok naman tayo sa opisina, napakaraming batang mag-aaral ang hindi alam kung paano gumamit ng bangketa sa kanilang paglalakad papasok sa iskul at pauwi.

Puwede kayang isama ang seminar sa paggamit ng kalsada at bangketa sa mga unang araw ng pasukan?

Napipilitan din ang marami na maglakad sa kalsada dahil ginagawa namang patungan ng mga halamang nakapaso ang mga bangketa o hinaharangan ng mga paninda o ginagawang garahe ng mga sasakyan.

Muntik na akong nakasagasa ng bata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply