Tricycle driver binoga, todas sa Antipolo City

RIZAL— Patay ang isang tricycle driver matapos na tambangan at barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang namamasada ang una kahapon, Hunyo 11, sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City PNP chief P/Supt. Rodino Elfa ang biktima na si Abraham Laxamana, 29, may-asawa, residente ng Sitio Pulong Banal, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Matapos ang pamamaslang ay kaswal na naglakad umano ang mga salarin palayo sa pinangyarihan ng krimen dala ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na kanilang ginamit.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa Service Road ng Farmers Center, Sitio Gipit, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Nabatid na sakay ng kanyang pinapasadang tricycle (VP-7670) ang biktima nang tambangan ng mga salarin at dalawang ulit na pinutukan sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply