Trike driver tinodas ng pasahero

BINARIL nang malapitan sa ulo ng hindi nakilalang suspek ang isang tricycle driver habang nakapila sa terminal at naghihintay ng pasahero, sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, iniulat Lunes.

Kinilala ang biktima na si  Louie Kamoy, 28, ng 381 Sitio Pintong Gubat, nasabing lugar.

Hindi naman nakilala ang suspek na matapos barilin ang biktima ay mabilis na tumakas tangay ang ginamit na baril.

Batay sa imbestigasyon, ganap na 11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa terminal ng mga sasakyan nang lapitan na lang ng salarin ang biktima na noon ay naghihintay ng pasahero saka binaril.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alaman na bago ang insidente, ilang araw ay may nakaaway umano ang biktima na isang pasahero na napagsalitaan ng una ng hindi maganda, hinala ng pulisya na may kagagawa sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply