Trike nahulog sa ilog, 3 paslit missing

TATLONG bata ang pinaghahanap ngayon ng search and rescue operation matapos mahulog sa ilog ang sinasakyang tricycle kasama ang tatlong iba pa sa Cauayan City sa isabela sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon sa  report na naka-abot sa Camp Crame,  kinilala ang mga nawawalang bata na sina Precious May Pastors, 4-anyos; Sheila Marie Tacloban, 9-anyos at Aldrin Jake Gammad, 2-anyos pawang ng Mabantad Village, Cauayan City.

Ayon kay Cauayan City Chief of Police Supt. Amorsolo Dela Cruz, maliban sa tatlong bata, kasama rin sa nahulog ang tatlo katao sa Pinacanauan River na agad namang nailigtas ng rescuers.

Kinilala naman ang mga nailigtas na sina  Richard Calimag, Judima Galvan, at Tomas Marcos na nagmamaneho naman ng tricycle.

Pansamantalang ikinustodiya ng  Cauayan-PNP ang dirver ng tricycle habang patuloy ang isinasagwang imbestigasyon hinggil sa aksidente,

Hinihinalang sa sobrang bilis ng takbo ng tricycle ay nawalan ng kontrol sa manible si Marcos kaya nagtuloy-tuloy na bumulusok sila sa Pinacanauan River.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply