Trike sinalpok ng bus, paslit utas

PATAY ang 10-anyos bata, habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makarang salpukin ng pampasahero bus ang kanilang traysikel sa highway ng Barangay Ligaya, General Santos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame ay kinilala ang biktima na siReden Galapon, 10, ng ng Purok 1, Ligaya.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan sina Lemuel Galapon, 16 at Romeo Sayson, 20.

Nabatid na tinatahak ng topdown tricycle na sinakyan ng mga biktima ang kahabaan ng pambansang lansangan patungong General Santos City nang mabanga ng Holiday bus.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang mga biktima subalit nalagutan kagad ng hininga ang bata.

Kakamakailan sa nasabi ring lugar ay nasalpok ng isang dump truck ang isang passenger van na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng 10 pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply