Tropang Texters nagsosolo sa tuktok ng PBA Governors’ Cup

TULUYAN nang kumawala sa nangungunang four teams na pulutong sa nine-team standings ang Talk N Text Tropang Texters nang pabagsakin ang Rain or Shine ElastoPainters sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Nalaglag ang Painters sa Tropang Texters habang katulad ng Barangay Ginebra na tangan ang 2-0 win-loss streak ay nalaglag nang itala ng TNT ang 120-108 at ang pagbagsak ng Gin Kings laban sa Petron Blaze Boosters, 89-100, sa main game ng double header presentation ng maiksing elimination format ng PBA.

Ang apat na imported players ay nagsipag-top score sa kani-kanilang team; si Maurice Baker ay kumamada ng 22 points para sa TNT habang si Arizona Reid ay bumanat ng 27 puntos sa kabila ng pagkatalo.

Sa unang panalo ng Petron Blaze kontra sa Barangay Kings, si Jeremy Wise ay nagtumpok ng 21 puntos kumpara sa 22 ng counterpart na si Curtis Stinson na nagpuntos ng 22 sa unang talo ng Ginebra sa score na 89-100.

Balik Big Dome ang laro ng elimination round bukas ng gabi sa sagupaan ng Powerade Tigers, 0-2, at Air21 Express, 0-2, ala-singko ng hapon na susundan ng banatan ng B-Meg Derby Ace, 1-1, at Alaska Aces, 0-1, na pawang nasa ilalim ng team standings.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply