Truck helper nabagsakan ng 880kg wire rod coil

NAGMISTULANG niyuping lata ang mukha ng isang truck helper matapos itong mabagsakan ng mga ikinakargang wire rod coil Lunes ng hapon, Hunyo 27, sa Baseco, Maynila.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Angelito Cortez, may-asawa, truck helper ng 346 San Juan Mexico, Pampanga.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan, dakong alas-6:00 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob ng Lighterage Corporation na matatagpuan sa Cargo Lift sa Baseco.

Tinutulungan umano ng biktima ang crane operator na ikarga ang mga wire rod coil sa truck na may bigat na 880kgs nang hindi sinasadyang mabagsakan ito ng nasabing kargamento.

Dahil sa bigat ng nasabing kargamento ay hindi nagawang maka-iwas pa ang biktima kaya nagmistulang niyuping lata ang kanyang mukha nang ito ay mabagsakan sa buong katawan. Jocelyn Tabangcura-Domeden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply