Truck helper utas sa saksak

UTAS ang isang truck helper matapos itong tadtarin ng saksak ng kanyang kasamahan na dating ng kaalitan matapos silang magkita sa kanilang pinapasukan sa Barangay Bagumbayan South, Navotas City.

Ang biktima, na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamo nitong saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan, ay nakilalang si Rizmer Nacar, 22, binata at residente  ng No. 134,  9th Avenue, Grace Park, Caloocan City.

Ang suspek, na agad namang naaresto ng mga rumespondeng barangay tanod ng NBBS, ay nakilalang si Jose Lopeo Jr., 27, may asawa, truck driver at naninirahan sa 1196 Edsa, Balintawak, Quezon City.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Michael Mortel ng Station Investigation Division ng Navotas Police, dakong 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng M. Naval, kanto ng Taganahan sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dating magkasama sa isang truck ang suspek at ang biktima, subalit nagkaroon ng matinding hidwaan kung kaya’t nalipat sa ibang truck bilang helper si Rizmer.

Nagtangkang tumakas ang suspek matapos ang krimen subalit agad itong nasakote at kasalukuyang nakakulong. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply