Tsina magtatayo ng oil rig sa Spratlys

KAHIT bala ng tirador ay walang pinakawalan ang militar sa muling paglapastangan ng China sa bakuran nito sa Spratlys Island.

Nagtatayo umano ng mga poste ang mga Tsino sa Iroquois Bank sa Spratlys na 200 kilometro mula sa southwestern Palawan, at nagbababa ang mga barko ng mga materyales sa pagtatayo ng mga imprastraktura.

Ayon sa militar, wala silang magagawa kung ‘di pagmasdan lamang ang pangungutya ng mga Intsik.

Ang tanging nagawa ng mga opisyal ng Pilipinas ay ang magmakaawa sa mga diplomat ng Tsina at magprotesta sa pinakahuling aktibidad sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.

Pinatawag ni Foreign Affairs Sec. Alberto del Rosario ang opisyal ng Tsina upang linawin sa mga ito na paglabag sa 2002 accord na walang gagalaw sa mga bahagi ng Spratlys na magsisilbing mitsa ng di-pagkakaunawaan at gulo sa rehiyon.

Noong nakaraang Biyernes, nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Chinese Embassy tungkol sa mga balita sa Chinese media sa planong pagtatayo ng pinakamodernong panghukay ng langis ng Tsina sa South China Sea.

Dito itinanong ng Pilipinas kung saan eksaktong itatayo ang nasabing oil rig at ipinaalala na hindi ito maaaring itayo sa teritoryo na inaangkin ng Pilipinas.

Sa nasabing pulong ay pinagtibay ng dalawang bansa ang hangaring panatilihin ang kapayapaan sa lugar at magandang bilateral na relasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply