Tulak nalambat sa Taguig

HINDI na nagawang makatakas pa ng isang drug pusher matapos maaktuhan Miyerkules ng hapon ng mga elemento ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Barangay Security Force na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Sa ikinasang buy bust operations ng awtoridad laban sa suspek, nadakip ang salarin na si Alejandro Pradas, alyas Aldek, 28, ng 16 Purok 6A Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Sinabi nina PO3 Joel Briones at PO3 Charito Castrence na nasamsam nila kay Aldek ang mga ebidensiya na dalawang plastic sachets na naglalaman ng shabu at mga perang nagkakahalaga ng isang libo at limang daang piso na ginamit sa nasabing panghuhuli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply