Tulak sa Caloocan, pagong sa masaker at Spratlys

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga reader na ipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin sa iba’t ibang usapin.

PANAWAGAN SA MAYOR NG CARDONA

Panawagan po sa mayor ng Cardona, Rizal: “kung maaari ay ilipat ninyo ang sementeryo rito sa Dalatan San Miguel cemetery para sa kalusugan ng mga nakatira na malapit dito. 09068505625

KAWATAN AT TULAK SA CALOOCAN

Pakibulabog naman ang Northern Police District, Caloocan City. Dito sa amin sa Salaysalay St., Brgy. 12, may mga anak na pasaway si Chairman Bebot “Ipot” Cruz. Isang alyas Domeng naman ang tumatangay ng mga timbangan at payong at mayroon ding tulak ng shabu. Dapat gumising na ang mga Northern Police District at barangay officials sa amin.    0907195

USAD PAGONG SA MASAKER

Gud noon po, sir. Isa po akong hamak na mamamayang Filipino. Matanong ko lang po. Bakit po ba na usad inutil na pagong ang Maguindanao masaker? Ung punto por punto na sagot. As in walang plastikan. Sana masagot nyo po sa column nyo sa REMATE. 0949917

SPRATLYS IPAGLABAN

Para sa akin na simpleng  mamamayan, handa akong ipaglaban pati na ang aking buhay kung talagang sakop natin ang Spratlys. f. gomez ng Bulacan, Bul.     0939227

SAGOT SA SPRATLYS: US MILITARY BASE

Dapat South Asian Sea ang itawag sa South China sea dahil nasa gitna siya ng 6 na bansa. Thailand, Malaysia, Vietnam, Philippines, China, Indonesia atbp. Spratly islands was discovered by Tomas Cloma in 1947. Dapat noon pa man ay tinayuan na ng Philippine  settlers. Ngayon lang kumikilos ang gobyerno makaraang ma-discover na posibleng may langis sa lugar.

Dapat idulog ng Vietnam, Malaysia, Indonesia at iba pa sa United Nations Security Council ang claim sa Spratlys.  Pag inutusan ng UN ang China, hindi ito maaaring hindi sumunod.

Ang solusyon sa Spratlys ay simple: ilagay ang U.S. Military bases mismo sa Spratlys o sa Palawan. Isa pa, bakit hindi isang American oil company ang isosyo ng Dept. of Energy sa Spratly at hayaan muling magkaroon ng US bases sa Pilipinas? 0930650

ANG RH BILL

Bakit hindi pa aprubahan ang RH Bill samantalang sila rin naman ang makikinabang doon? 0948676

oOo
Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM radio tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply