Tulak sa Valenzuela ininguso ng kalugar kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang tulak ng shabu matapos inguso ng kalugar sa Valenzuela City Martes ng umaga, Hunyo 7.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Lacap, 42, ng A. Dela Cruz, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 8 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa tapat ng bahay ng suspek.

Agad na dinamba ang suspek nang iabot sa pulis na umaktong poseur buyer ang isang sachet kapalit ng P500.

Nabatid na isang text ang natanggap ng mga pulis hinggil sa ginagawang pagtutulak ng suspek ng shabu sa kanilang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply