Tulong ng US, kinuwestiyon ni Cayetano

KINUWESTYON ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano ang tulong na ibibigay ng United States sa Pilpinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT) upang palakasin ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng tumitinding sigalot sa Spratlys.

Ayon kay Cayetano, dapat ilantad ni Pangulong Benigno Aquino III sa publiko kung anong klaseng tulong ang ibibigay ng US dahil palaging lumang military hardware lamang ang ibinigay ng Washington na binibili pa natin sa kanilang ang spare parts.

“So if you notice, the national defense treaty has been there since the 60s and it is not just about the US helping our military and their offer of help has always been there, their help has always been welcome and they have done much for our military,” aniya.

Ayon kay Cayetano, hindi kailangan ng AFP ang mga lumang kagamitang pandigma ng US tulad nang giangawa nito sa ilang dekada ng pagtulong sa bansa, kundi aids o grants na makatutulong sa pagpapalakas ng puwersa ng AFP.

“Remember usually this military hardware is ‘used’ military hardware and we have to have to buy the parts from them. So it’s a commercial deal rather than a big brother type of helping a nation that has common principles and espousing international interest in the region.,” aniya.

Sinabi ni Cayetano na hindi dapat nakabase sa pambansang interes ng ibang bansa ang national defense policy ng gobyerno bahil nakasalalay dito ang pagiging economic power kung paano tumutulong ang US sa kanilang kaalyado.

Sa halip, aniya, dapat palakasin natin ang ating ekonomiya na nakapokus sa pangunahing yaman ng ating bansa, ang ating mamamayan.
“We cannot base our national defense policy on the national interest of another country.

Meaning, hindi pwede ang nangyayari doon na iaasa nalang natin ang depensa natin sa iba. Why? Because when their interests conflict with ours, where does that leave us? “ giit niya.

Hinamon din niya ang administrasyon na ilantad sa publiko kung
anong tulong ang ibibigay ng US na mayroong espisipikong detalye.

“My challenge to the administration is to be open to the people on what kind of military aid we are going to get and whether it be a purchase or in the form of grants and aids,” giit ni Cayetano.

Aniya, ngayon ang panahon na igiit ng Pilipinas na kaalyado tayo ng US at naging matapat na kaalyado na bomoto sa Washington sa United Nations kalakip ng mahabang panahon ng kasaysayan ng pakikipagkaibigan kahit sa panahon ng Cold war.

“So the question now is how do we want the US aid to go? We have to lead the way and tell them this what we need and can you give it to us? We need aids and grants not military hardware,” patapos niya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply