Turismo sa Kordilyera lumalakas – DOT

PATULOY na lumalakas ang sektor ng turismo sa Kordilyera ayon sa pahayag ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay DOT regional director Pura Molintas, maliban sa mga lokal na turista mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ay patuloy rin ang pagdagsa ng nga turista mula sa mga bansang Europa. Kadalasan na kasama sa mga lugar na kanilang pinapasyalan ay ang rice terraces sa Banaue, Ifugao at ang munisipalidad ng Sagada sa Mountain Province.

Ayon din kay Molintas, patuloy  na dumarami ang turista na nagmumula sa iba pang mga bansa tulad ng China, India, at Russia na pumapasyal hindi lamang dito sa Kordilyera, kundi sa iba pang mga kilalang
tourist destinations sa bansa.

Inihayag din ni Molintas na prayoridad ng gobyerno ngayon sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsasa-ayos ng mga kalsada na patungo sa mga key tourist destinations.

Inihayag ni Molintas na siya ring namumuno sa Infrastructure Committee ng Regional Development Council (RDC) na naglatag na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Five-year Development Plan kaugnay sa pagsasa-ayos ng mga kalsada na patungo sa mga pangunahing tourism spots sa Kordilyera.

Upang mas mapalakas pa ang turismo sa rehiyon at upang mas maisa-ayos ang pag-dokumento sa mga turista na pumapasyal sa iba’t-ibang panig ng Kordilyera, kinumpirma rin ni Molintas na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga pagsasanay sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.

Ayon kay Molintas, maliban sa mga pagsasanay na kaugnay sa pagpapalakas ng turismo at pagpapa-unlad sa mga produktong pang-turismo ng bawat lokal na pamahalaan sa rehiyon, tumutulong din
ang DOT sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno sa pagtuturo sa tamang pag-document ng mga turista na pumapasyal sa kani-kanilang lugar.

Samantala, pinangunahan ng DOT ang pagpo-promote ng ‘Gotad ad Ifugao’ na gaganapin sa Banaue, Ifugao mula ngayong araw hanggang Hunyo 18 bilang pagdiriwang ng ika-45 na anibersaryo ng probinsiya ng Ifugao.

Kasama rin na inilunsad ng DOT ang Matagoan Festival ng Tabuk City, Kalinga na gaganapin nitong Hunyo 23-25 bilang pagdiriwang sa ika-apat na taong anibersaryo ng Tabuk mula noon unang taon na idineklara ito bilang isang siyudad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply