TV director binurdahan ng live-in partner

PINAGSASAKSAK ng sampung beses ang television director na si Ricky Rivero ng hinihinalang ka-live-in nito sa Quezon City.

Nabatid na dumating mag-isa sa Philippine Heart Center ang director na duguan lulan ng kanyang sasakyan kung saan inalalayan na lamang siya ng mga staff ng naturang ospital.

Ayon pa sa ulat, nagtamo ng malalim ng saksak si Rivero sa kanyang dibdib.

Nahuli naman kaagad ang suspek, na nakilalang si Ivan Ruiz.

Nabatid na nag-away sina Rivero at Ruiz na humantong sa pananaksak sa una.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply