U.N. Secretary General nare-elect

NAIHALAL uli sa puwesto bilang secretary general sa United Nations si Ban Ki-Moon sa ginanap na pagpupulong ng U.N. General Assembly President.

Mistulang re-appointment ang nangyaring eleksiyon dahil sa walang nakalaban sa naturang puwesto ang U.N. Sec. Gen. Inirekomenda siya ng mga miyembro ng U.N. Security Council para mapanatili sa puwesto.

Naitalaga sa puwesto si Ban Ki-Moon taong 2007 at nakatakdang matapos ang kanyang termino sa katapusan ng taon. Ang panibagong pagkakahalal sa kanya ay nangangahulugan na mananatili siya sa puwesto hanggang katapusan ng taong 2017.

Ginanpanan umano ng Secretary General ang kanyang tungkulin ng higit sa inaasahan ng mga miyembro nito kung kaya’t nararapat itong mailuklok uli sa puwesto ayon mismo kay U.N. General Assembly President Joseph Deiss.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply