Estados Unidos papanig sa PH – US embassy spokesman

INIHAYAG ni United States embassy spokesman Rebecca Thompson na papanigan at tutulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sakaling giyerahin ito ng ibang bansang may interes ding masakop ang Spratly Islands.

Ito ay bilang paglilinaw sa kanyang unang pahayag kamakailan na hindi makikialam ang Amerika sa Pilipinas sa nasabing isyu.

Ibang usapan na umano kung sakaling giyerahin ng China ang Pilipinas, datapuwa’t idinagdag nitong dapat maresolba ang isyu sa mapayapang paraan.

“When I said, ‘The US does not take sides in regional territorial disputes,’ I was talking about the current dispute over boundaries—an issue separate from what the US would do in the hypothetical event of conflict,” ayon sa text message ni Thompson.

“As we’ve said repeatedly, these issues need to be resolved peacefully within the framework of international law,” dagdag pa niya.

Base sa nilagdaan ng US at Pilipinas na Mutual Defense Treaty, nakahandang magbigay ng suporta ang Estados Unidos sakaling apihin at gamitan na ng puwersa ang ating bansa ng isang karatig-bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply