Ukay-ukay sa QC nasunog, 1 patay

TINATAYANG hindi kukulangin umano sa halagang P200,000 ang halaga ng tinupok ng apoy nang masunog ang isang ukay–ukay store at katabing tindahan sa Act Theater na ikinamatay ng isang sales lady sa Quezon City ngayong madaling araw, Lunes, Hunyo 6.

Namatay noon din ang biktimang si  Gina Defide, 26, ng Mountain Province at stay-in sa Densel’s Ukay-ukay Store dahil sa tinamong third degree burns matapos makulong ng apoy sa loob ng tindahan.

Base sa isinumiteng ulat kay Supt. Bobby Baruelo, Quezon City Fire Marshall, dakong 3:30 a.m. kanina nang masunog ang nasabing tindahan na pag-aari ng Act Theatre at matagapuan sa ground floor sa Edsa, Cubao.

Ayon sa arson investigator, nag-ugat ang sunog nang mag-over heat ang ceiling fan kung saan nag-spark ito at nagliyab na kumalat sa buong tindahan at nadilaan din ng apoy ang ilang mga katabi.

Ayon sa apat na kasamahang sales lady, agad silang nakalabas ng ukay-ukay store habang nasusunog ito kasama nila si Defide subalit basta na lamang bumalik ito sa loob dahil may nakalimutan.

Sa report ng arson probers, mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng store kung saan nakulong si Defide at hindi na nakalabas pa.

Makaraan ang isang oras ay naapula ang apoy ng mga rumesponding mga pamatay sunog ng Quezon City Fire Department.

Napag-alaman kay SFO2 Fortunato Alde, nasa P200,000 ang halaga ng tinupok ng apoy at masusing iniimbestigahan ng arson probers kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply