Ulan sa Davao dulot ng intertropical convergence zone

INTERTROPICAL convergence zone ang dahilan ng pag-ulan na nagdulot ng pagbaha sa Davao City kagabi, Hunyo 28.

Ayon kay DOST Usec. Graciano Yumol, hindi pa rin umaalis ang sama ng panahon na nagsimula kahapon at nananalasa sa kasalukuyan.

Pahayag pa ni Yumol, ayon sa kanilang forecast, asahan na ang mga pag-ulan at kaulapan dahil ang intertropical convergence zone ay nakaabot na rin sa ilang bahagi ng Visayas.

Isa pang tinitingnang dahilan ng pagbaha ay hindi na nakaya ng daluyan ng tubig ang pagbuhos ng ulan kung saan kahalintulad din umano ito sa nangyari sa Cotabato City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply