Umawat sa away ng utol, kelot sinaksak

TODAS ang isang lalaki matapos itong tarakan ng saksak ng talunang sugarol sa larong “Pusoy” habang umaawat sa away ng kanyang kapatid at suspek, Sabado ng madaling araw, Hunyo 11, sa Paco, Manila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Dan Reyes, 37, binata, pahinante, ng 1372 Crsitobal St., Paco.

Pinaghahanap naman ang suspek na nakilalang si Fidel Alegria, ng nasabi ring lugar.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador, 2:30 a.m. nang maganap ang insidente sa isang lamay sa 905-C Santibanez St., Paco.

Nauna rito, naglalaro umano ng ‘pusoy’ ang kapatid ng biktima na si Daniel Reyes, 42, driver, at ang suspek sa nasabing lamay at nang manalo ang una ay nagpasya na itong umalis sa lamay na ikinagalit ng suspek.

Makalipas umano ng 30 minuto ay sinundan umano ng suspek sakay ng kanyang motorsiklo si Daniel sa kanilang bahay.

Dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at si Daniel kung saan umawat naman ang biktima nang biglang bumunot ng patalim ang una.

Minalas namang masaksak sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima.

Isinugod pa sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply