Unahan sa unang panalo

MAG-UUNAHAN sa unang panalo ang alinman sa apat na team ng PBA Governors’ Cup elimination na Powerade Tigers, B-Meg Derby Ace Llamados, Petron Blaze Boosters at Air21 Express sa kani-kanilang sagupaan ngayong gabi, Hunyo 27, sa Araneta Coliseum.

Magkakabangga ang powerhouse Petron Blaze at ang Air21 Express na kung saan isang bagong import ang ipaparada ni coach Reynato Agustin na hahali sa hindi kagandahang nilaro ng unang recruit na si Ricky Harris. Mula sa Southern Mississippi University ang 6’2 na si Jeremy Wise ang ipapambato mula sa dating San Miguel Beermen.

Sa unang paris ng double header na magsisimula 5:00 ng hapon, ang star studded na B-Meg Derby Ace Llamados ay makahaharap ng Powerade Tigers ni coach Bo Perasol. Ang high-profile na si Stephon Hannah ng Llamados ang makatatapat ng nagbabalik-import na si Chris Porter.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply