Unang anibersaryo ni PNoy sa pwesto sinalubong ng protesta

ISINAGAWA Huwebes ng umaga ng militantreng grupong Bagong Alyansang Makabayan at mga kaalyado nito ang isang kilos protesta kasabay ng unang anibersaryo ng pagkaluklok sa puwesto ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng BAYAN, bigo si Pangulong Aquino na tuparin ang kanyang panata sa bayan kaya lagpak ang gradong ibinibigay sa kanya.

Ang pagkilos kaninang umaga ay tinatawag na alternatibong ulat ng BAYAN sa makasaysayang Mendiola.

Ilan sa mga kapalpakan sa ekonomiya, karapatang pantao, pamamahala at patakarang panlabas ang inilatag ng grupo sa kilos protesta.

Ayon pa sa BAYAN, bigo rin umano ang Pangulo na makapagsampa ng kaso laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kasalukuyang representate ng lalawigan ng Pampanga.

Dagdag pa ng grupo, wala din umanong naresolba sa may 48 naitalang kaso ng extrajudicial killings noong 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply