Unang batch ng Pinoys galing Yemen dumating na

DUMATING na ang unang batch ng Pinoy galing sa Yemen na inilikas ng gobyerno ng Pilipinas matapos isailalim sa alert level 3 ang nasabing bansa dahil sa tumitinding kaguluhan doon kagabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Embahada ng Pilipinas sa Yemen para sa mga Pinoy workers na nais pang umuwi ng bansa.

Sinabi ni Philippine Embassy in Riyadh Charge d’Affaires Ezzedin Tago, naghihintay ang Philippine Embassy team sa Sanaa upang tumulong sa mga natitirang Pinoy workers.

Kaugnay nito, nasa 11 Pinoy pa ang nakatakdang dumating ng Pilipinas sa Linggo habang 178 naman ang nagpahiwatig na nais umuwi ng bansa.

Una nang inabisuhan ng embahada doon ang mga Pinoy na samantalahin na ang voluntary repatriation ng gobyerno dahil sa paglala ng kaguluhan bunsod ng pagpapababa sa puwesto kay Yemeni President Ali Abdullah Saleh.

Sinasabing mayroong kabuuang 1,420 Filipino ang nagtatrabaho sa Yemen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply