(Update) Lindol sa Japan, 7 sugatan

SUGATAN ang pitong katao makaraang yanigin ng lindol na magnitude 5.5 ang central Japan kaninang umaga, Huwebes, Hunyo 30.

Nabatid sa Japan Meteorological Agency na naganap ang lindol 120 kilometro mula sa Tokyo.

Ayon pa sa ulat, nahulugan ng mga bumagsak na bagay o kagamitan ang mga sugatan.

Wala namang naiulat na matinding pinsala sa mga ari-arian sa pinakabagong pagyanig. Hindi rin naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad matapos ang lindol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply