Travel warning sa Sulu, Mindanao inilabas ng US

NAGPALABAS ng panibagong travel advisory ang United States Department of State sa mga mamamayan nito na pumipigil sa mga ito sa pagpunta sa bansa dahil umano sa bantang mga terrorist activity, partikular sa Sulu sa Mindanao, na maaaring maapektuhan pati ang lungsod ng Maynila.

Sa pamamagitan ng travel warning na nakalathala sa website ng US embassy sa ilalim ng international travel warning, pinalawig ang naunang travel warning noong Nobyembre 2, 2010.

Partikular na pinag-iingat nila ang kanilang mamamayan sa matataong lugar tulad ng paliparan, shopping malls, conference centers at iba pang mga public venues na pinangangambahang masalakay ng terorista.

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang pangamba ng US Department of State sa mga banta laban sa mga Amerikano hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Dahil dito, hinikayat nila ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na mag-enroll sa smart traveler enrollment program para makatanggap ng pinakahuling kaganapan sa security at safety updates sa kanilang paglalakbay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply