Usapin sa Hacienda Luisita ‘di maresolbahan

BIGO pa rin ang mga mahistrado ng Korte Suprema na pagbotohan kahapon ang kaso ng Hacienda Luisita.

Ayon kay Supreme Court Spokesman Midas Marquez, apat na opinyon ang umiikot sa mga mahistrado na kanilang pagbobotohan.

Pero muli ipinagpaliban ang deliberasyon sa nasabing kaso at posible umanong maisama iyong muli sa agenda ng Supreme Court En Banc sa susunod na Martes.

Partikular na dedesisyunan ng mga mahistrado ang ligalidad ng stock distribution option scheme na ipinaiiral sa Hacienda Luisita.

Samantala, dismayado naman ang United Luisita Workers Union (ULWU) sa pagkakaantala ng desisyon.

Ayon kay Lito Bais, presidente ng ULWU lalo lamang pinatatagal ng hukuman ang paghihirap ng maraming magsasaka at manggagawa ng nasabing hasyenda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply