Usapin sa Isla Liwagao, bubuhayin ng Oriental Mindoro

MULING bubuhayin ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang usapin ng pagmamay-ari ng Oriental Mindoro sa isla ng Liwagao, isa sa maliliit na islang nakapalibot sa bayan ng Bulalacao.

Sa paksang ito sumentro ang naging talumpati ni PCL Oriental Mindoro Chapter President at SP Ex-Officio Board Member Gideon B. Abuel sa isingawang sesyon ng SP sa Brgy. San Roque, Bulalacao noong ng Hunyo 10.

Ayon kay Abuel, “I rise to reverberate the call to settle all the territories which are rightfully and so dutifully belong to the Province of Oriental Mindoro. I am speaking here about the issue of the Island of Liwagao and the Island of Ngubat. While the inhabitants of these islands are economically and socially tied to Bulalacao, their potential map and political map however, were erroneously attached to the province Antique.”

May mataas na potensyal sa turismo ang isla dahil sa taglay nitong puting-puting buhangin at malinaw na tubig, na maaaring maihambing sa mga kilalang tourist destinations, tulad ng Boracay at Palawan.

Ipinaliwang ni Abuel ang mga naisagawa nang hakbangin sa mga nakaraang taon ng Bulalacao at ng pamahalaang panlalawigan kaugnay sa nabanggit na usapin.

“The main problem is that our marginalized fishermen in Bulalacao were prevented from fishing within the grounds which is ours before, the Island of Liwagao. I would like that this act of the Sangguniang Panlalawigan to totally regain the territorial jurisdiction over Liwagao be open for us to be able to
show that we are maintaining our interest and our control. We would like to regain our control, mangement and operation because the Island of Liwagao and the Island of Ngubat are really part of Oriental Mindoro,” pahayag ni Abuel.

Bilang aksyon ng SP sa pangunguna ni acting Vice Governor at SP Presiding Officer Patrick dela Rosa, isinangguni ang nabanggit na usapin sa SP Committee on Laws, Ordinances and Legal Matters, upang kagyat na mapag-aralan ang mga hakbanging kailangang maisagawa ng pamahalaang panlalawigan ukol dito.

Ipinaabot naman ni Bokal Romeo Infantado na sa pakikipag-usap niya sa dating mayor ng Bulalacao na si Dolores Bago, nakahanda, aniyang makiisa at magbigay ng testimonya sa anumang legal na aksyon na isasampa ng pamahalaang panlalawigan upang mabawi ang isla mula sa mga umaangkin nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply