Utang ng gobyerno sa mga beterano lolobo pa

TIYAK na lolobo pa ang utang ng gobyerno sa mga beterano at mga pensiyonado sa mga susunod na taon dahil sa umiiral na sistema ng pagreretiro sa militar.

Ito ang naging pahayag ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) kasabay ng mungkahi na ibalik na lamang sa dating 65 years old ang retirement aged sa militar sa halip na 56 taon.

Ayon kay AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez, napapanahon ang plano ng Kongreso na busisiin ang P16 billion backlog sa mga bayarin sa mga beterano at makahanap ng mapagkukunan ng pondo para mabayaran maging ang mga nalalabi pang beterano sa nakalipas na digmaan.

Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang life expectancy ng WWII veterans bukod pa sa taon-taon ay palaki nang palaki ang bilang ng mga sundalo at opisyal na nagreretiro.

Kaugnay nito, iminungkahi pa ni Rodrigiez na mas magandang ibalik na lang sa 65 years old ang mandatory retirement age para pakinabangan pa ng gobyerno at taong bayan ang mga militar kasya pasahurin ng pension habang buhay kahit malalakas pa naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply