Utility worker patay sa bangungot

PATAY na ang isang 45-anyos utility worker nang matagpuan ito ng kanyang roommate ngayong madaling araw, Biyernes, June 3, sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Alan Genove,tubong Nagiulian, La Union, utility worker sa OB Montessori at nakatira sa 2524 J. Posadas St., Puerto, Sta. Ana, Maynila.

Sa report ni PO2 Bernardo Cayabyab, dakong 3:15 a.m. nang madiskubre ang pagkamatay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa nasabing lugar.

Ayon kay Cayabyab, narinig umano ni Arnel Valencia, kasaamhan sa trabaho at roommate ng biktima, na umuungol ito ganap na alas-tres ng madaling araw, ngunit hindi nito pinansin.

Nang huminto na umano ang pag-ungol ng biktima ay saka lamang nilapitan ni Valencia kung saan nadiskubreng hindi na humihinga ang una.

Nabatid na posibleng binangungot ang biktima dahil wala naman umanong nakitang sugat sa katawan nito.

Dinala sa Harold Funeral Parlor ang bangkay ng biktima para sa autopsy at safekeeping.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply