Valte, Magsaysay wag pamarisan ng kabataan

HINDI magandang ehemplo para sa mga kabataan ang iniulat na bangayan sa Twitter nina deputy presidential spokesman Abigail Valte at  Zambales Rep. Milagros Magsaysay.

Ito ang reaksyon Sorsogon Bishop Arturo Bastes sa ulat na nagbangayan sa social networking site na Twitter sina Valte at Magsaysay kaugnay sa performance sa panunungkulan ng kani-kanilang kaalyado na sina Pangulong Benigno Aquino III at dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Mariin naman itong pinabulaanan ng dalawa.

Ayon kay Bastes, hindi magandang halimbawa sa mga kabataan ang mga lider ng bansa na nagbabangayan gamit ang Internet.

Paliwanag ng Obispo, bilang public officials, hindi ito dapat ginagawa nina Valte at Magsaysay dahil maaari silang tularan ng mga kabataan.

Iginiit ng Obispo na sa halip na magbangayan, dapat magpalitan na lamang ng suhestiyon o pamamaraan ang dalawang lider kung papano umunlad at tugunan ang kahirapan sa bansa.

“That is not good to expose that to the public. We have to be prudent because especially the kids might do the same what the leaders are doing,” ayon kay Bastes sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“They have to be revealed but something has to be done. Knowledge about evil should not end in knowing evil.  Sa halip, dapat tugunan nila o solusyunan ang problema ng bayan or to come up with a concrete actions to punished the evil and to be sure that the evil should not be done anymore either by law or by some moral efforts,” ayon kay Bastes.

Dagdag pa nito: “Aksyon ang kailangan sa mga problema ng bansa natin ngayon at hindi bangayan ng mga lider.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply