Van vs tricycle: 4 patay, 3 sugatan

NAMATAY ang apat habang tatlo ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang van sa tricycle na puno ng pasahero sa Crossing Bado, Sipalay City, Negros Occidental.

Nabatid na agad na namatay kabilang ang mag-ina na sina Janet Phil, 25, anak nilang si Samantha, 4, residente ng Brgy. Canturay, Sipalay City, kapwa pasahero ng tricycle.

Sugatan naman si Cedric Palma, 9, ng Sipalay City at kasalukuyang naka-confine ngayon sa Western Visayas Regional Hospital.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawa pang namatay kabilang na ang dalawa ring sugatan.

Ayon sa imbestigasyon, napakabilis ng takbo ng van na may karga ring patay kaya nabangga ang tricyle dakong alas-kuwatro kahapon ng hapon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply