Vegetable vendor tinodas sa saksak

HINALANG binalak holdapin ang 35-anyos na vendor matapos dalawang beses na sinaksak sa dibdib, habang namimili ng gulay sa Divisoria sa Tondo, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Roberto Salangsang Halili, vendor ng Caloocan Market sa nasabing lugar at residente ng 143-B Cordero St., 3rd Avenue, Caloocan City.

Samantala, patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan ng tumakas na suspek.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Edmundo Cabal kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 4:45 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa Claro M. Recto Avenue, malapit sa panulukan ng Carmen Planas St., Divisoria sakop ng Tondo.

Nabatid sa report na kasama ng biktima ang kanyang pamangkin na si Claudine Lorenzo Salangsang, habang namimili ng paninda nang saksakin ng hindi nakilalang salarin.

Mabilis na isinugod sa Mary Johnston Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply