Vendor inutas sa harap ng bahay

TODAS ang isang vendor  matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City, Linggo ng umaga.

Ang biktima na agad namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente a nagtamo ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rommel Gonzales, 39, ng #272 BMBA Compound, 3rd Avenue, nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa nakuhang impormasyon  sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 8:45 ng umaga sa harapan ng bahay ng biktima.

Ayon sa ulat, nakatayo ang biktima sa harapan ng bahay nang dumating ang hindi nakilalang suspek at agad naglabas ng baril saka walang sabi-sabing pinagbabaril si Gonzales.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung ano ang mobito sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply