Vendor kritikal sa lalaking maskarado

KRITIKAL ang isang vegetable vendor makaraang pababarilin ng isang maskaradong lalaki sa Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Ang biktimang isinugod sa Quezon City General Hospital ay si Michael Alani, 35, ng Pag-asa St., Brgy., 175, Caloocan City.

Inilarawan naman ni PO2 Roberto Tripon, may hawak ng kaso ng Laloma Police Station 1 ang tumakas na suspek matapos isakatuparan ang krimen na nakapang-itaas ng blue na jacket, katamtaman ang pangangatawan at naka-maskara.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang krimen sa may likod ng LLeones Eatery, Dantes NDM Market Edsa, Brgy., Balinggasa, dakong 12:10 ng madaling-araw.

Nabatid na habang nakahiga at nagpapahinga ang biktima katabi ang kanyang ka-live in sa isang stretcher ay bigla na lamang sumulpot ang suspek.

Ayon sa saksi na si Shoby Gonzales, 19, isang helper ng nasabing pamilihan, nakita niya ang isang lalaki na naka-maskara papalapit sa hinihigaan ng biktima.

Kasunod nitoy, bumunot ng baril ang suspek at itinutok sa biktima sabay ipinaputok ng apat na beses.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo sa pamamaril.

Nasa kritikal na kondisyon at patuloy na inoobserbahan sa nasabing pagamutan ang biktima.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng maskaradong lalaking responsable sa nasabing insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply