Vendor niratrat sa harap ng bahay, dedo

TODAS ang isang vendor matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City, Linggo ng umaga, Hunyo 19.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rommel Gonzales, 39, residente ng BMBA compound, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, dakong 8:30 ng umaga, nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang sumulpot ang salarin at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala si Gonzales.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang salarin dala ang ginamit na baril.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply