Videoke bar pinasabugan sa Sultan Kudarat

LIMANG babae ang iniulat ng pulisya na sugatan makaraang pasabugan ng bomba sa isang videoke bar sa Barangay Buenaflor, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang pagsabog sa loob ng Star Light Videoke Bar bandang alas-otso ng gabi nitong Hunyo 18, Sabado.

Sa inisyal na pag-iimbestiga ng pulisya, nakilala ang mga biktima ng pagsabog sa mga pangalang Glaiza Juan, Noraya Laguia, Sorayda Tabon Lagya at Elenita Molan Alesna.

Isinugod ang mga biktima sa isang ospital at patuloy pa umanong ginagamot ng mga doktor.

Kabilang umano sa mga biktima ay mga kostumer at waitress ng nasabing videoke bar.

Nabatid na 81mm mortar na bomba ang ginamit sa pagpapasabog sa nasabing establisimiyento.

Inaalam na kung may kinalaman sa lokal na awayan sa naturang lugar ang nasabing pagpapasabog o kung kagagawan ng mga terorista.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply