Vindicated ang ‘Rosario’

ANG pelikulang “Rosario” ni Direk Albert Martinez ay nagwagi ng maraming parangal sa nagdaang Metro Manila Film Festival 2010. Pero hindi ito ang lumikha ng ingay kundi ang hindi pagkaka-nomina ni Direk Albert bilang best director kahit kinilala ang husay ng kanyang mga kasama at ng mismong pelikula.

Sa panayam ni Tsongkibenj, walang hinanakit ang premyadong aktor. Sa kanya kasing paniniwala, ang dalawang taong pinaghirapan nila ng asawang si Liezl Martinez ay may mararating.

Ngayon ay maugong ang balita na nominado si Albert bilang best director sa 14th Shanghai International Film Festival.

Ang award giving body na ito ay kinikilalang may pinakamataas na uri ng antas sa buong East Asia. Kaya ang sinumang nominado rito ay parang panalo na rin.

Marahil itong sinasabi ni Direk Albert na may naghihintay na ibang kapalaran para sa kanyang obra.

Dito natin mapatutunayan, mga tsong at tsang, na magka-minsan talaga ang isang bayani ay hindi kinikilala sa sariling bayan.

Ngayon, ang pelikulang Rosario ay masasabi nating may sarili nang kaluluwa. Kaya lumilikha ito ng sariling daan tungo sa tagumpay.

Gaganapin ang prestihiyosong 14th Shanghai International Film Festival mula June 11 hanggang 19. Layunin nito na himukin pa ang lahat ng mga Asyanong filmmakers na pag-ibayuhin ang pagpapaka-dalubhasa sa kani-kanilang mga obrang pelikula.

Kapag nagwagi ang Rosario, masarap ang delayed gratitude na kanilang matitikman. Swabe, baby!

***

KAPAG nababanggit ang pangalang Yasmien Kurdi, ang naaalala natin ngayon ay hindi na ang dating ka-love team niya na si Rainier Castillo kundi ang aktor na si Baron Geisler.

Naalala niyo naman siguro, mga utoy at mga ineng, na inihabla ni Yasmien si Baron ng acts of lasciviousness at hanggang ngayon ay dinidinig ang kaso. as usual, sa tagal ng giling ng hustisya sa bansa tuluy-tuloy pa rin ang paggulong ng buhay nila.

Si Baron ay nababalitang maayos na sa loob ng rehab. Si Yasmien naman ay naka-move on na sa pamamagitan ng concentrate sa kanyang college education.

Kahit na may career ay iniwan ito ng aktres kapalit ng pagsusunog ng kilay. Naniniwala si Yas na ang diploma ang siya pa ring pinakamahalaga at sinasamantala niya ito habang bata pa.

Mabigat daw ang maging nursing student pero hindi na siya natutukso na balikan kaagad ang showbiz at determinado na tapusin ang nalalabing dalawa’t kalahating taon pa ng kolehiyo.

Si Yasmien ay kasali sa mga mabibilang lang sa daliri na tama ang disposisyon at masarap isipin na sa hanay ng mga artista, may mga nagtataguyod pa rin ng mabuting halimbawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply